Diyos ay Pag-Ibig (Lyrics)

Catholic Songbook: Catholic Mass Songs Lyrics Compilation
Catholic Mass Songs Lyrics

1. Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso't kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa

2. Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay

REF:
Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

3. Sikapin sa ating pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo

(Repeat REF 2X)
Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig

Post a Comment

Previous Post Next Post
Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers!

Contact Form