Hesus (Andrei Lyrics)

Catholic Songbook: Catholic Mass Songs Lyrics Compilation
Catholic Mass Songs Lyrics

Andrei Dionisio


Kung nag-iisa at nalulumbay, dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay, tumawag ka at Siya’y naghihintay

KORO 1:
Siya ang iyong kailangan, sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi at karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla, laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus makakaasa, kaligtasan, lubos ang ligaya

KORO 2:
Siya ang dapat tanggapin, at kilanlin, sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon, sa dalangin mo’y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya’t ang lagi mong pakatatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay,
Pag-ibig na tunay (Ulitin ang KORO2 maliban sa huling linya)

Siya ay si Hesus, Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus, sa habang panahon

Post a Comment

Previous Post Next Post
Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers!

Contact Form