Mariang Ina Ko (Lyrics)

Catholic Songbook: Catholic Mass Songs Lyrics Compilation
Catholic Mass Songs Lyrics

Unang awit-tambalan ng batikang guro at estudyante. Nina Mr. Pagsi at Manoling, na noo'y nasa unang taon sa Ateneo High School. Dito nagsimula ang panghabambuhay nilang pagkakaibigan.

Sa 'king paglalakbay sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay maging talang gabay

KORO:
Mariang ina ko, ako ri'y anak mo
Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako

Maging aking tulay sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay tangnan aking kamay (KORO)

Sabihin sa Kanya aking dusa at saya
Ibulong sa Kanya, minamahal ko Siya (KORO)

Post a Comment

Previous Post Next Post
Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers!

Contact Form