Dakilang Pag-Ibig (Pieta Lyrics)

Catholic Songbook: Catholic Mass Songs Lyrics Compilation
Catholic Mass Songs Lyrics

Refrain;
Words: Crispulo Pangilinan
Music: Eduardo P. Hontiveros, SJ

New Verses;
Words: Roy Tolentino
Music: Norman Agatep
Arrangement: Norman Agatep


REF:
Dakilang Pag-ibig, saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.

O Ina, ika’y nagluluksa,
Anak mong dakila, ngayo’y pumanaw na.
Duyan-duyan muli ni Mariang Ina,
si Hesus, sugatan at aba. (REF)

O Poon, Iyong nakikita,
Mag-anak na aba, salat sa pag-asa.
Nawawalay at nangungulila
silang hanap lamang ay guminhawa. (REF)

O Poon, Iyong namamasdan
Anak Mong dayuhan, pinagtatabuyan;
lumilikas, nawa’y makalaya
mula sa bansang biniyak ng digma. (REF)

CODA:
Diyos ay naroon, walang alinlangan.

Post a Comment

Previous Post Next Post
Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers!

Contact Form