Kaibigan Kita (Lyrics)

Catholic Songbook: Catholic Mass Songs Lyrics Compilation
Catholic Mass Songs Lyrics

Sino bang tutulong sa 'yo
Kundi ang katulad Ko
Kaibigan mo Ako

Verse 1
Sa Akin mo sabihin ang problema mo
At magtiwala kang 'di ka mabibigo
Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa
At may karamay ka sa 'yong pagdurusa.

Verse 2
Kapag nasaktan ka ay huwag kang susuko
Kahit may takot ka ay huwag kang magtago
Di ka nag-iisa, kasama mo Ako
Tawagin mo lamang, di ka mabibigo

Koro:
Kaibigan Kita, kaibigan tuwina
Sino bang tutulong sa 'yo
Kundi ang katulad Ko
Kaibigan mo Ako

Verse 3
Ngayong nalaman mo na may kasama ka
Hinding-hindi kailan pa man mag-iisa
Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa
At may karamay ka sa 'yong pagdurusa

(Ulitin ang Koro)

Post a Comment

Previous Post Next Post
Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers!

Contact Form